Friday, May 06, 2005

kwentong barbero

naranasan mo na ba yung napapatanga ka at biglang natatahimik? yung biglang napapaisip? matutulog ka na lang tapos biglang may mapapansin at bubuntong hininga na lang.

himungi ng kumot si leng*, isa lang kasi yung binigay sa kanila ng kapatid niya. nung kumatok ako ako sa kwarto nila, dala yung hinihingi niyang kumot, tulog na silang magkapatid. napatingin ako kay leng... di ko lubusang maisip na itong babaeng 'to -- madaming naiinis dito. mataray, masungit, hitad, prinsesa. yan si leng. pero kung nakita lang nila siya ng mga sandaling yun.. nakakulubot. pinagkakasya ang katawan sa maliit at manipis na kumot na nakabalot sa kanya. frail and fragile, ika nga. ang lakas pa ng aircon nila... kinumutan ko si leng, naalimpungatan siya, nag thank you at bumalik sa tulog.

so nagtatanong ka siguro.. bakit ko naikwento ito? may konek yan, wait lang.


habang tinitingnan ko si leng, napaisip ako... ano ba itsura ko pag tulog? hindi ako kagaya niya na nakakulubot, di ko kaya yun eh, maliban nlng kung sobrang liit ng higaan. naisip ko, siguro pag natutulog ako, parang di babae yung natutulog. walang ka-finesse finesse, sabi ng lola ko. nung tinitingnan ko si leng, kung lalake ako ha, parang gusto ko siyang alagaan at protektahan. parang gugustuhin mong lumaban para sa kaniya, literally at figuratively. ngayon, kung ang itsura ko pag tulog eh parang kahit sa panaginip eh may kaaway ako... meron kayang mapapaisip ng mga naiisip ko para kay leng? meron kayang mapapaisip na alagaan ako at protektahan ako at lumaban para sa akin?

hanggang sa nagsanga-sanga na yung naisip ko...

kung may mga babaeng katulad ni leng, aba. ang swerte pala niya. at kawawa ang mga babaeng katulad ko. biruin mo, wala ka pa ngang ginagawa, meron nang gustong mag alaga sa iyo! samantalang ako, lagi na lang iisa ang nagiging papel sa buhay.. ang mag alaga ng ibang tao na kahit isang paimbabaw na salamat eh wala kang marinig...

may nakapagsabi sa akin, makikita mo rin yang dreamboy mo.. hmmm.. siguro, di bale na lang. kaya nga dreamboy eh, hanggang panaginip lang. kasi sa panaginip, lahat ng gusto mong mangyari, pwede. posible. dreamboy mo nga pero di ka naman kayang ipagtanggol, di ka kayang alagaan. no thanks! dun na lang ako sa totoo.. minsan kasi, nakakapagod din mag-alaga ng iba. pwede bang ako naman?




*name was changed for privacy ekek.




2 Comments:

At 3:52 AM, Anonymous Anonymous said...

nagddrama kb lola lei? ;p u remember that overused quote abt ur soulmate being God's gift 2 u? malay mo sobrang sosyalan ang gift wrapper nung para sau kaya ayan hanggang ngaun ndi pa naipapadala... hehe. mishu!

 
At 6:13 PM, Blogger eventuallypretty said...

good lord. it seems that every one is cathing up on the bitterness. ampalaya ata ang vegetable of the year. tama na yan. inuman na. :)

 

Post a Comment

<< Home