Sunday, February 13, 2005

letting go VS holding on

sabi nila pag nagmahal daw ang isang tao:

"parang nakakapit sa patalim, nagdudugo na ang kamay mo, hindi ka pa rin bumibitaw..."

totoo nga naman diba? lalo na pag nagpapakamartyr ka... kahit gaano kahirap, kahit gaano kasakit, kapit ka lang ng mahigpit... palalim ng palalim ang sugat, pahigpit ng pahigpit ang hawak mo sa kutsilyo... sa isip mo kasi "mahal ko siya... kailangan maging malakas ako para sa kanya... ipaglalaban ko to..."

ang tanong diyan eh...

GUSTO BA NUNG TAONG YON NA IPAGLABAN MO?

GUSTO BA NUNG TAONG YON NA MAGING MALAKAS KA PARA SA KANYA?

higit sa lahat... ALAM BA NIYA?!!

yan ang hirap sa ganyan eh... kapag wala ka na ibang nakikita kundi yung taong yun, yung taong yun at yung nararamdaman mo para sa kanya... yun kasi ang bumubulag sayo eh... yung mentalidad na pag nakuha mo siya, makukumpleto ang buhay mo... pag minahal mo siya ng lubos, matututunan ka rin niyang mahalin... basta maiparamdam mo, may pagasa...

EH PANO NGA KUNG WALA?

pano nga kung hindi ka naman niya talaga kayang mahalin? pano kung niloloko mo lang pala ang sarili mo?

aba siyempre, hindi mo makikita yun... "mahal" mo eh... kaya kung ano lang ang gusto mo makita, yun lang...

kapag magkasama kayo at nakikita mo siyang ngumingiti at masaya, iniisip mo agad dahil magkasama kayo... yun pala within eye's view lang yung totoong gusto niya kaya ganun...

o kaya kapag nilalapitan ka niya para magtanong, tuwang tuwa ka kasi ikaw ang una niyang nilapitan... yun pala katabi mo lang yung gusto niya kaya sinasamantala niya yung pagkakataon...

kapag nagkasakit ka at tumawag siya o nagtext para mangamusta, halos gumaling ka na in a second sa sobrang tuwa... nagaalala lang pala siya kasi KAIBIGAN ka niya...

KAIBIGAN KA LANG NIYA...

haay...

ipaglaban mo p're, KUNG NARARAPAT... hindi naman masamang ipaglaban eh, kung mahal mo ba naman siya, at mahal ka rin niya eh di why not?

di sapat na MAHAL MO... sa ganyang pagkakataon, mas importanteng MAHAL KA RIN...

dahil kung hindi ka naman niya mahal, panu na yun? nagpipitik bulag ka na nga, magisa pa...

nagmukha ka lang tanga...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home