Thursday, July 06, 2006

konti na lang

Sarado na ang tindihan, on the dot, alas nueve impunto.

Pagkatapos makipag usap sa mga matataas na opisyal, pagkatapos magkaliwanagan sa ilang malalabong bagay, gumawa ng paalam, lumagda at nagligpit na ng mga kagamitan upang muling makapag bukas ng tindahan kinabukasan.

Ang hirap, konti na lang.. Makikita na lang akong biglang tumatakbo paroo't parito ng nakatalikod o di kaya'y inuuntog ang ulo sa pader, kumakain ng papel, nagsasalitang mag isa habang umaakyat ng 6th floor ala spiderman... Konti na lang at puputok na ang bulkan. Ang bulkang may ilang buwan ding nanatiling dormant.

Ang saya saya. Ang sakit sa ulo. Ang sakit sa mata-- tutukan sa computer. Ang sakit sa likod, yung aircon kasi nakatutok sa likod ko. Ang sakit sa lower back-- lagi naman eh.

Ni wala nang oras para kumain. Lahat ng food-- to go. Salamat sa Jollibee. Salamat sa kape. Salamat sa may ari at nagtayo ng Jollibee. Salamat sa naka imbento ng kape. Fabulous stuff.

Salamat sa Coldplay at Orange and Lemons. Salamat kay DJ Kimozave.

Salamat sa mga taong mahihirap kausap dahil mas naa-appreciate ko ang mga taong mababait, ang mga taong hindi nagtataas ng boses at hindi nagbabagsak ng telepono.

Salamat sa mga soap operas, sa mga music videos, sa mga damit, sa mga clinic dahil alam ko na kung pano sumakit ang ulo ko at kung hanggang saan ang kaya nito.

Salamat din sa mananayaw na hindi marunong tumanaw ng utang na loob, na naaalala ka lang pag may kailangan siya sa iyo at bigla kang nakakalimutan kapag kasama niya si darling. Sinungaling ka na nga, manggagamit ka pa. Ang lala mo p're! Give me five!

At dahil may buy 1 take 1 coffee coupon ako, dahil sarado na ang tindahan at ang dami kong nabenta, its time to celebrate! Yebah!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home